Wednesday, November 24, 2021

"Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" ni Rolando A. Bernales

                   GABAY SA PAGSUSURI

1. Ipaliwanag ang pamagat ng Tula. Bakit gayon ang sinasabi ng may-akda sa pamagat?

Bakla, isang kataga na maaring mangahulugan ng hindi lamang iisa kundi marami pa. Isang katagang bansag para sa kanilang mga itinuturing na kakaiba sa lipunan basi sa kanilang postura at galaw. Ito na marahil ang reluta ng tinatawag nating “HUMAN POWER OF LABELLING”.Sa isang lipunang puno ng mga matang mapanghusga, kahit wala kang sinasabi o ginagawa ay huhusgahan at isusumpa ka dahil nga para sa kanila ikaw ay isang hamak lamang na bakla.


2. Sino ang sinasabi sa tulang iba't ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?

Ang sinasabi sa tulang iba't ibang mukha ay ang mga bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, at kilala o di-kilala. Sila ang mga taong mapanghusga sa isang bakla dahil hindi nila ito matanggap sa Lipunan.


3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala.

Sinasabi sa tulang likod kultura' tradisyon at bulok na  paniniwala hindi matanggap ng mga tao sa liponan, ang mga bakla dahil sa paniniwala ng tao ay ang mga bakla ay mga makasalanan dahil ang mga paniniwala ng mga tao  na ang lalaki at babae lang ang nilikha ng ating panginoon. pero mali ang atin paniniwala na ang mga bakla ay wala ng karapatan sa mundo sapagkat tao din sila katulad natin nabubuhay hindi ito rason para apak apakan natin ang kanilang pagkatao at dapat nating alalahanin na tayo ay ginawa ng panginoon at lahat tayo ay pantay pantay.

No comments:

Post a Comment